Hello 2008
January 4, 2008Belated Meri Krismas at Maligayang Bagong taon sa inyong mga kapwa lormanians! Ang taong 2007 ay naging isang makabuluhang taon para sa pinakamamahal niyong(sana totoo) Lorma Highlights, dahil sa nakalipas na taon eh gabundok na mga awards ang aming natanggap (oo, alam ko, exaggerated masyado.hehe.). Lahat ng aming natamasang tagumpay sa nakalipas na taon ay hindi lang po sa amin kung hindi para sa lahat ng mag-aaral ng Lorma (naks!). Kayo ang aming inspirasyon upang lalong pagibayuhin ang aming mga gawain (nayna, naguneg!) at asahan ninyong sa taong 2008 eh mas iigihan pa namin ang aming mga produkto. Saludo po ang aking tatlong kamay sa mga estudyanteng nag iwan ng mensahe sa aming shoutbox, salamat sa pagbibigay ng mga opinyon, reklamo at mga papuri sa ating publikasyon. Malaking tulong po ang mga ito upang matugunan ang aming mga pagkukulang. Wag po kayong mahihiyang magkomento, ikinalulugod po naming tatanggapin ang mga yon kasi ikinalulugod talaga naming tanggapin ang mga yon( magulo ba?)
And to close my opening speech for the year 2008…….. I formally close my speech. Thank you. high five!
-Danum


