Balanced. Aware. Free..

Home » Post Item » Palawan invasion

Palawan invasion

June 17, 2009

Ilang dekada naba ang lumipas mula ng may naka-isip na mag post ng update dito. Bagong sem na kaya kailangan na talaga ng updates. Marami ng mga updates ang  nabagoong dahil sa sobrang tagal ng nangyari ang mga yun. Nabanggit dati dun sa huling napost na may sasalihang event yung ilang mga miyembro ng Highlights dun sa Palawan(obviously matagal ng natapos yun), walang nakuha ang dakilang broadsheet sa group category, pero at least may nakuha naman sa individual category, at least. Nagrelease din pala ang publikasyon ng kanilang huling issue para sa sem na yun, isang newsletter. Marami ang hindi nakakuha sapagkat Final Exam week na ata nung dumating ang issue at busy na ang lahat sa pagtetext, hmmm, sa pagrerebyu ng mga topics na hindi rin naman maintindihan.

 

Mula ng magsimula ang bakasyon, sinimulan na din ang paggawa ng ikatlong volume ng Sulat Kamay(patapos na ata), may ibang naging aktibo pa din, may ibang hindi nagparamdam, at may ibang di na nagpakita ng tuluyan. Nakilahok din ang ilang miyembro ng publikasyon sa ginanap na National Convention (CEGP) kung saan nanalo ang broadsheet issue ng unang gantimpala. Actually, pangalawang beses ng manalo ng publikasyon sa kategoryang ito. Congrats!

 Bagong sem na naman kaya muli na namang naghahanap ang publikasyon ng mga bagong mabibiktima este bagong staff ng Highlights. Sa lahat ng interesado pwede kayong magsadya mismo sa opis ng publikasyon o kaya ay hintayin nyo nalang silang pumunta sa inyong klase at mambulabog. Go sali na!

 Hanggang dito nalang muna siguro ang update na ito, wala pa kasing bagong pangyayari.

Next month nalang ulit! ;p 


Posted by lormahighlights at 10:09 pm | permalink

Comments are closed.