Balanced. Aware. Free..

Home » Post Item » Ang Pagdating ng Broadsheet at mga kaganapan sa Vigan

Ang Pagdating ng Broadsheet at mga kaganapan sa Vigan

December 3, 2008

Yehey! December na! paskong pasko na nga. Nagkalat na ang ibat ibang palamuting pang-krismas saan ka man tumingin(maliban nalang sa bulag..joke.). Kasagsagan na rin ng madugong prelims exam. Busy busy na talaga ang lahat. Lahat ay nagrereview o agin-agin rereview para sa mga maka-nosebleed na exams(karamihan). Marami pa rin ang nag-iisip kung “its better to give than to receive”, mapa exams man yan o mapa Pasko. (Hindi talaga ito kasali sa updates. Gawa-gawa lang ang mga ito).

 

Ang Broadsheet

 Ayan, pagkatapos ng ilang daang taong paghihintay sa broadsheet, sa wakas, dumating na ito. Oo, tama ang narinig nyo, meron ng bagong issue ang Highlights at maaari na kayong kumuha ng inyong mga kopya sa opis ng publikasyon. Matatagpuan ito sa taas ng Michelles. Sa mga hindi po nakakaalam, broadsheet po yung bagong issue at hindi higanteng Sulat Kamay. Pwede po kayong mag-iwan ng mga komento at suhestyon dito sa blog. Go! Avail na!

 Kaganapan sa Vigan

Nabanggit namin sa aming last update na aatend ang ilang miyembro ng publikasyon sa 9th Regional Higher Education Press Conference sa Vigan. At sa kabutihang-palad(naks!) ay nanalo ang ilan sa kanila at nakapasok para sa National level na gaganapin sa Palawan. Heto ang resulta ng nasabing kompetisyon. Tanging mga nakapasok lang sa Top 5 ang papasok para sa national level.

1st Poetry Writing Filipino

Jabez Tarlit

BSMLS II

 

2nd Comic Strip Drawing English

2nd Literary Graphics Filipino

Tado

CPE II

 

2nd Opinion Writing English

Arnel Manzano

BSN II-5

 

4th Edirorial Cartooning Filipino

Ian Lutap

CPE II.5

 8th comics strip filipino

Ian Lutap

CpE II.5

4th Sports Writing Filipino

Darren Neil Cabrera

BSN III-1

 

5th Copyreading and Headline Writing English

Faye Rose Costales

BSN I-3

 

8th Feature Writing Filipino

Darren Neil Cabrera

BSN III-1

 

8th Copyreading and Headline Writing Filipino

Rachel Dennise Galang

BSN I

 

9th News Writing English

Lovely Ulpindo

BSRT II

 

10th Literary Graphics English

Ian Lutap

CPE II.5

 

 Yehey! Paburger naman dyan! Congratulations sa lahat! Wuhooo!


Posted by lormahighlights at 4:56 pm | permalink

Previous Comments

ang galing naman..

Posted by rara at December 4, 2008, 7:08 pm