Balanced. Aware. Free..

Home » Post Item » Bakit walang updates?

Bakit walang updates?

November 23, 2008

Bakit nga ba? halos mag-iisang buwan na rin mula ng may bagong post dito sa site, kung post nga iyon na maituturing. Natapos na ang enrollment(obyus naman) at nagsimula na din ang mga klase(obyus na obyus). Tapos na din ang Lunduyan, na ginanap sa Damortis, Rosario kung saan nagtipon-tipon ang daang mga student journalistmula sa ibat-ibang panig ng Pilipinas(Luzonwide) para sa taunang journalism skills training at seminar.

Balik na ulit sa mga dating gawain, pag-aasikaso sa susunod na isyu na ilalabas, ang broadsheet. Ilang linggo(o buwan) na din itong delayed sa target na pagkakarelease nito. Gayunpaman, sanay magkaroon ng himala at pirmahan na nila ang printing request ng maipaprint na din ito at mairelease sa mga susunod na linggo. Sana. Sana nga.

 

Nagsimula na din ang publikasyon sa pangangalap ng mga balita at isyu na pwedeng ilabas sa newsletter sa susunod na dekada(malamang). Maging ang inaamag na literary folio ay sinimulan na din pagkatapos ng daang taong pagplaplano rito. Sa kasalukuyan ay naghahanap ang publikasyon ng mga kontribusyon para sa nasabing litfol. Kung kayo ay interesado, isubmit ang inyong mga gawa(literary-slash-art-slash-photos) sa opis ng publikasyon. Clue: nasa loob ito ng Lorma. Isama lang ang inyong pangalan,kurso at taon,tirahan,contact number,e-mail address,at lakipan ng dalawang sachet ng colgate(pangalan, kurso at taon lang).

 Sa mga nagkokomento sa site na to, go lang. Positibo man yan o negative, hinaing man o wala lang, ipost lang. Bastat gumamit laang ng lenggwaheng maiintidihan ng lahat. Isulat ng pabaligtad. Pwede ring magsuggest ng mga artikulo na gusto nyong mailagay sa newsletter. At bago makalimutan, pwede ring magsubmit sa pamamagitan ng e-mail. Huwag lang kalimutang ilagay ang inyon pangalan, kurso at taon, at walang kasamang mensahe na “If you do not sent this to 1834780324732984985298 of your friends, you will die after 98786498746-032498327523498 seconds”.

Naghahanap din pala ang publikasyon ng mga COMMITTED na staff writer, photojournalist,graphic at lay-out artist. Kung interesado ka, magtungo sa opis ng Highlights para sa application form at entance exam. Huwag kang mag-alala, walang bayad ang entrance exam dito. Para sa mga mag-aapply bilang graphic-slash-lay-out artis at photojourn, pwedeng magdala ng mga sample artworks at photos. Go, sali na.

Mas mukha itong blog entry kaysa sa update, anyway, may update na kahit papano.  Mawawala din pala ang ilang miyembro ng Highlights sa linggong ito. Sasali kasi sila sa 9th Regional Higher Education press Conference na gaganapin sa Vigan mula Nov. 27-29. Sana’y suportahan natin sila.

 

Hindi creative na Creative Editor 

  


Posted by lormahighlights at 11:37 pm | permalink

Comments are closed.