Balanced. Aware. Free..

Home » Post Item » LETTER OF SUPPORT FROM KAREN MICHELLE CALACAL (former LH EIC)

LETTER OF SUPPORT FROM KAREN MICHELLE CALACAL (former LH EIC)

July 23, 2008

LH peeps!

I am Karen Michelle Calacal, former editor.  In high school we were repressed (LI/Usbong)… in College we pressed and were pressed… While we had our own issues before that we feel Campus Press Freedom was violated, more to say it’s more than Repression per se but we have suffered almost all forms (from ignorant and angry teachers, etc.) yet I cannot imagine the “self-control” that we have to condition and impose on ourselves- perhaps because of the idea of fear, prioritizing first our Education/graduating, and some other or personal reasons, etc. Though we have our own share and differences in opinions, I am one with the Lorma Highlights for a variety of reasons; that LH is the only organization that is brave enough to do moral and social responsibility as the YOUTH exercising their DEMOCRATIC FREEDOM in an Academic Environment - that should serve as a breeding ground for the purpose of exercising such RIGHTS. The role of the student paper does not have to reflect a distorted element of what is really happening to the Environment. This is just one manifestation of our Nation’s current status, a picture of a derailed Nation suffering from major crises in the face of weakened leadership and spiritual dilemma. When the questioning mind begins to untangle human constriction, it is inevitable to stop it; for it is human nature to search for answers, to infer and discern TRUTH. We cannot further question when such ideas are more than visible to the naked eye and what a BLIND man can see nor feel with his breath. A man will die but not his ideas.

Though it is undeniable that the publication fee is the lifeline of the paper; SUPPRESSING its distribution is more than a GESTURE of authoritarian power- a kind of leadership that could kill human spirit and hope; ironic to the mission and vision of LC as an institution where it boasts its humble beginnings from a quiet peaceful barrio. The Administration’s reaction is a pre-empted damage control.

We cannot deny the fact that CHANGE is inevitable and perfect TIMING is very important and crucial. This is a NEW WAVE of student Idealism taking its FORM. Anyway, there is more to this after College. The real world is not in Lorma and it is true that despite we see forms of injustices and sense of discontentment fired at us, we have to be reminded that this is not a PERFECT world… but at least they could have LISTENED. They should have listened using all their senses because we also CARE and there is a felt need for us to take action and work together. The article published is a clear picture of a desire to walk in a direction, a path to alleviate this sense of emptiness that the Educators and authorities have failed to fill-in because they too are in their own crises situations. The Student-Administration Dialogue is not enough to fill into the gaps; for democracy has no boundaries no matter theories have come out to define it. Lormanians are not IGNORANT and deserve to be respected. If the Academe is still in the DENIAL stage, let the STUDENTS move forward and take their step. Fight and stand up for TRUTH you believe in!

Why SUPPRESSION? Because Knowledge is Power so distort it. That’s the idea. Whether it could be rationalized as some other way… the TRUTH IS OUT THERE.


Posted by lormahighlights at 5:36 pm | permalink

Previous Comments

Nabasa ko ito sa isang site sa web. gusto lang ibahagi para sa mga taga-highlights.

Pagsusuri sa Peryodismo

Hindi maaaring talikdan o kalimutan ng isang peryodista ang kanyang kinagisnan para lang epektibong magampanan ang kanyang gawain. Kung tutuusin, kailangan pa nga niyang malaman nang mabuti kung ano ang kanyang paninindigan para epektibong masuri ang mga datos niya, para matukoy ang mga bagay na kailangang malaman ng publiko.

NI DANILO ARAÑA ARAO
Konteksto / Pinoy Weekly
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 25, July 27-August 2, 2008

Isang kontrobersyal na usapin sa mga peryodista ang pagbibigay ng pagsusuri sa isyung sinusulat nila. Hindi raw katanggap-tanggap ito dahil masisira ang kanilang kredibilidad. Kailangan diumano nilang maging neutral para masiguradong obhetibo ang kanilang pag-uulat.

Hindi raw dapat sinusuri ng mga peryodista ang mga isyung kinakaharap ng bayan dahil ang kailangan lang ay ang simpleng paglalahad ng datos. Hayaan na lang daw ang taumbayan na mag-isip kung saan sila papanig. Mapapansin ito sa islogan ng Fox News ng Estados Unidos: “We report. You decide.”

Inaakusahan ng biased reporting ang sinumang lumabag sa ganitong panuntunan. Ang pagsusuri kasi ay para lang daw sa mga nagsusulat ng editoryal at kolum. “Let the data speak for themselves,” sabi ng ilang patnugot, peryodista at maging ng ilang propesor sa peryodismo.

Ang problema lang sa ganitong diskurso, may paniniwalang ang pagiging obhetibo ay nangangahulugan ng pagiging neutral. Magkaiba po ang dalawa.

Para maging obhetibo ang isang balita, kailangang makuha ng peryodista ang lahat ng panig at responsable niyang isulat ang mahahalagang punto. Anuman ang kanyang saloobin, kailangan niyang makuha ang kabilang panig at huwag makontento sa iisa lang. Responsibilidad niya sa publiko ang pagbibigay ng karampatang impormasyon.

Napag-uusapan na rin lang ang “impormasyon,” kailangang tandaang iba ito sa “datos.” Ang una ay nagbibigay ng kaalaman, at mangyayari lang ito kung susuriin ang mga datos na nagsisilbing produkto ng obserbasyon ng isang tao sa kanyang kapaligiran (observable reality). Sa madaling salita, ang impormasyon ay suma ng datos at pagsusuri, o impormasyon = datos + pagsusuri. (Kailangang malaman ng mambabasa na nakasulat sa UP Diksiyonaryong Filipino na pareho lang ang mga salitang “datos” at “impormasyon” pero sa iba pang diksiyonaryo tulad ng The Concise Oxford Dictionary ay pinag-iiba ang dalawang ito.)

Kung ang isang taong neutral ay nangangahulugang walang pinapanigan, posible kaya ito sa larangan ng peryodismo? Hindi ba’t bilang tao, tayong lahat ay may paniniwala?

Paano susuriin ng isang peryodista ang mga datos kung hindi siya gagamit ng isang balangkas sa pagsusuri (analytical framework)? At hindi ba’t ang pagpili ng anumang balangkas ay bunga ng mga paniniwala ng isang peryodista?

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sapat ang sabihin ng isang peryodistang siya ay panig lang sa “katotohanan.” Ang huli ay nakadepende pa rin sa pagsusuri ng datos ng iba’t ibang tao at grupo. Mapapansin ang iba’t ibang interpretasyon ng katotohanan sa simula ng kantang Magkabilaan ni Joey Ayala: “Ang katotohanan ay may dalawang mukha/Ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba/May puti, may itim, liwanag at dilim/May pumapaibabaw at may sumasailalim.”

Hindi maaaring talikdan o kalimutan ng isang peryodista ang kanyang kinagisnan para lang epektibong magampanan ang kanyang gawain. Kung tutuusin, kailangan pa nga niyang malaman nang mabuti kung ano ang kanyang paninindigan para epektibong masuri ang mga datos niya, para matukoy ang mga bagay na kailangang malaman ng publiko.

Kahit sa pagsusulat ng isang balita (news article), ang simpleng pagpili ng kung anong impormasyon ang ilalagay sa panimulang talata (lead) ay nagpapakita ng paninindigan ng isang peryodista. Sa usapin ng pagtaas ng presyo ng langis, halimbawa, kailangang may batayan kung bakit uunahin ang panig ng pamahalaan kumpara sa iba pang grupo.

Ang pagpili ng anggulo sa isang isyu ay repleksiyon din ng kung anumang pinapaniwalaan ng peryodista. Sa totoo lang, puwede namang gamiting anggulo ang katotohanang kumpara sa Estados Unidos, hindi hamak na mababa ang presyo ng mga produktong petroloyo sa Pilipinas. At kung iinterbyuhin ang isang nakatira sa mansyon na kumikita ng milyun-milyon bawat buwan, malamang na sasabihin niyang barya lang ang mga naging pagtaas nitong mga nakaraang buwan at hindi dapat magalit ang sambayanan. Pero anong klaseng mensahe ang maihahatid nito sa publiko, lalo na sa mahihirap?

Totoong nasa publiko ang huling desisyon, pero ito ay ang desisyong tanggapin o hindi ang pagsusuri ng mga peryodista. Hindi dapat mawala ang pagsusuri sa larangan ng peryodismo dahil ito ay susi sa paghuhubog ng pampublikong opinyon na siyang responsibilidad ng mga peryodista.

Kailangang hindi lang isapuso kundi isapraktika ang ganitong kaisipan sapagkat patuloy ang pagpapalaganap ng mito ng neutrality sa larangan ng peryodismo.

Pansining ang nagpapalaganap ng kaisipang ito ay ang mga tao’t grupo ring nakikinabang sa kasalukuyang kaayusan sa lipunan. Hindi nakakagulat na sila ay natatakot sa paghuhubog ng opinyong publiko na inaasahang magbubunga ng makabuluhang pagbabago. Pinoy Weekly / Inilathala ng Bulatlat

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com .

Posted by kris at July 28, 2008, 1:04 pm