Walang Kwentang Kwento tungkol sa Wala
January 12, 2008by: walangmagawasabuhay
Arthur. Jan. 22.
Sa maraming taon ko ng pagtuturo, hindi na bago sa akin ang mga iba’t-ibang paraan ng mga estudyante para makapasa. May mga talagang ginagawa ang lahat para makakuha ng mataas na grado ngunit mas marami yung mga umaasa lamang sa iba’t-ibang uri ng cheating. Sa pagdaan nga ng panahon, nauso na ang tinatawag nilang leakage.
Ako ang nagtuturo ng isang minor subject sa halos lahat ng seksyon sa isang year level. Dahil dito, alam kong marami akong estudyante na kaya lamang nakakakuha ng mataas na scores ay dahil sa leakage. Isa na dito si Jam. Halos lahat ng quizzes na ibinibigay ko ay perfect niya. Pati nung nakaraang Prelim exam ay siya ang nagtop sa klase. Hindi naman sa mapanghusga lang talaga ako. Sigurado lang kasi ako na hindi kaya ni Jam na makakuha ng ganoong kataas na grado kung walang ginagawang kababalaghan. Sa recitations, hindi siya makapagsalita. Maging sa mga surprise activities na sa klase lang nila ko pinagawa, wala din siyang naipakita. Bukod pa diyan, kilala ko din kung kanino siya kumukuha ng leakage. Kitang-kita ko kung paano sinusulat ng isa ko pang estudyante mula sa ibang section ang kanyang mga sagot sa isang scratch paper at palihim itong itinatago.
Very close kami ni Jam. Halos alam namin lahat ng sekreto ng bawat isa. Mula nung nagkakilala kami nung first year, marami na kaming mga bagay na ginawa nang magkasama. Isa na syempre dito ang pagpapalitan ng mga sagot sa iba’t-ibang mga subjects. Dati, natatakot pa kaming magleakage. Kaya lang, halos lahat naman na ng mga kaklase ko gumagawa ng ganun. Nakakabanas magreview kung alam mong alam na ng mga kaklase mo lahat ng sagot sa quiz na hindi niyo pa nakukuha.
Dahil dito, naging ordinaryong bagay na lamang para sa amin ni Jam ang magpalitan ng mga sagot sa mga quizzes at exams kung saan pareho kami ng teacher. Madalas, sa subject ni Sir Arthur ako nagbibigay ng leakage kay Jam. Mahirap kasi ang subject at hindi naman nae-explain ng maayos yung mga lesson. Wala pang pakialam si Sir kung naiintindihan namin yung mga sinasabi niya. Lagi pa siyang absent at kung present naman ay nagbibigay ng nakakawindang na quiz. Ano pang magagawa ko?
Tsaka nakakatulong naman ako sa bespren ko di ba? Tsaka parang pagtanaw na rin to ng utang na loob. Siya kasi ang nagpakilala sakin kay
Girlfriend ko si Lena at close din kami ng bestfriend niyang si Jam. Maganda naman ang naging takbo ng relasyon namin ni
Halos perpekto kasi si Jam. Maganda, matangkad, at matalino. Naiiinggit nga sakin yung mga barkada ko kasi close daw kami ng isang genius na gaya ni Jam. Mas lalo pa suiguro silang maiinggit kapag nalaman nilang higit pa dun ang relasyon naming ni Jam. Ang balita ko nga, siya lagi ang nagtatop sa mga quizzes at exams. Lalo na daw sa subject ni Sir Arthur. Dito ako bumilib sa kanya. Ang hirap kaya ng subject ng bwisit na instructor na yun. Trying hard na maging matalino, wala namang alam. Insecure pa sa mga estudyanteng nakakapansin sa marami niyang kamalian at nalalamangan siya sa mga discussions. Kung wala yung mga notes niyang dala, wala naman siyang masasabi e.
Nitong nakaraang mga araw, naiinis na ako kay
Ewan ko. Ang gulo.
Arthur. Feb. 4.
Obvious naman kasing nagleakage na naman siya. Nakita kong gumawa na naman ng listahan ng sagot si
Sirang-sira na ang pagkatao ko. Alam na ng lahat na sa nakaraang mga semester ay umasa ako sa leakage para magkaroon ng matataas na grado. Ano ba kasing magagawa ko? Kung hindi ako magchicheat, siguradong magiging mababa ang mga grado ko. Papatayin ako ng mga magulang ko pag nalaman nila yun. Pero siguro yun na nga ang nakatakdang mangyari.
Sirang-sira na ang pagkatao ko. Halos walang natira sa akin. Nalaman na ni Jam ang relasyon namin ni Lawrence at hindi na niya ako pinansin kahit minsan. Ilang beses kong tinangkang kausapin siya pero wala na talaga siyang pakialam. Alam kong mabait si
Ikinahihiya na ako ng mga magulang ko at pati ng mga ibang kakilala. Nang huli akong pumunta sa school, lahat nakatingin sa akin at nagbubulungan. Meron pang nagsabi ng, “Ang kapal naman ng mukha niyan para bumalik pa dito. Leakage lang naman pala ang alam niya.”
Pati si
Hanggang dito na lang siguro ang lahat ng ‘to. Nagawa ko na ang huling sulat ko para sa kanya. Siya lang ang nagmahal sa akin at siya lang ang itinuring kong pamilya pero nagawa ko pa rin siyang lokohin ng ganun. Siguro naman sa gagawin kong to magiging masaya na ang lahat.
Sana sa libing ko makapunta si
Sabi sa akin ni Sir Arthur, nahuli daw niya akong gumawa ng leakage noong midterm exam sa subject niya. Totoo yun. Nakita rin daw niya kami ni Jam na nag-uusap bago sila mag-exam. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi pa rin siya naniniwala sa katotohanan.
Hindi nagleakage si Jam noon. Hindi niya tinanggap yung leakage na hinanda ko. Nahihirapan na daw siya dahil sa panlalait ng kanyang mga kaklase. Nasa mataas na seksyon kasi siya at may mga chismis na kumakalat na sa leakage lang siya umaasa.
Susubukan na lang daw niyang magreview ng seryoso. Baka daw kayanin niya. Bumilib ako sa kanya noon.
Para naman hindi masayang ang pagod ko, binigay ko kay
Pero nagulat ako sa pinagtapat niya.
Sa ngayon ay hindi ko na pinapansin si Jam. Pilit ko na rin siyang kinakalimutan. Siya at si
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



ibahin mo yun title…yun lang poh…:)
Posted by elixzyr at February 5, 2008, 11:59 am