Home

Nang sumakay sa Jeep ang isang dating miyembro ng Highlights

June 17, 2008

pinagmamalaki ko pa rin na ako ay pilipino, sa kabila ng mga patong-patong na problema ng ating bansa eh masasabi kong masaya ako sa pagiging pilipino ko.

sa simpleng pagsakay ko ng jeep madalas, nararamdaman ko ang pagiging pilipino, at kanina, habang papuntang paaralan ay nakangiti akong bumaba sa jeep na aking sinakyan. sa dalawampung minutong pagsakay ko sa jeep ay meron akong natutunan.

ngumiti ka at siguradong may ngiting babalik sayo. may 2 babae at isang lalake na halos magkasunod sumakay sa jeep kanina, kakilala pala nung lalake ung 2 babae, ngumiti ito at nginitian din nila, at pagkatapos no, kwentuhan na, hanggang sa pagbaba ng lalake. di namasahe ung lalake kasi sagot na daw nila pamasahe niya, pagbaba nung lalake, di pa umandar agad ang jeep, me limampiso yata o sampung piso ang nasa inupuan nung lalake, ibibigay sana nung isang babae sa laake kaso sabi nung lalake, ” sa inyo na yan” sabay tawa. pati ako napangiti.

ang piso ay may mararating basta tulong tulong. may matandang namasahe, naiabot na sa drayber ung pera, tapos naala nung matanda na kulang yata ng piso ung pamasahe niya. maliliit mang halaga ang piso inihabol ito ng matanda, iniabot, pasa pasa, tulong tulong, hanggang sa may narating ng piso ang nais nitong kalagyan, kay mamang drayber. kung sana kahit di lang sa tayo sa jeep nagaabutan ng kamay, kung sana tulong tulong din tayo para sa bayan. kahit maliit lang, wag ikahiya ang estado. ika nga, “walang isang milyon kung walang piso, at walang piso kung walang isang sentimo”.

pag binigay mo ang lahat sayo, masusuklian ito. gaya sa jeep, pag nagbigay ka ng sandaan, sigurado, ikaw ay masusuklian. pwede natin itong iapply sa ating buhay. ibigay natin ang lahat para sa ating nais na marating, sa ating mga pangarap, mga mithiin. at sigurado pag binigay mo ang lahat ng makakaya mo, masusuklian ito ng tagumpay.

kung ang mga sinabi ko man ay korny o baduy para sayo, ayos lang, pananaw mo yun, pero isipin mo, nung pinaglaban ba ng mga bayani natin ang kalayaan ng ating bansa, tinawag din ba silang korny o baduy ng mga kapwa nila pinoy?

 

-danum 

Posted by lormahighlights at 11:47 am | permalink | Add comment

Plakard

January 12, 2008

Ilang minuto na ang lumipas. Nasa harapan parin ako ng salamin. Napako na ang aking isipan sa mga bagay bagay na sadyang gumugulo sa akin. Ubos na ang aking allowance. Wala na rin akong pangmatrikula. Wala na akong ibang mahihingan sapagkat matagal na akong itinakwil ng aking mga magulang. Suwail man ako, may mga pangarap din naman. Hindi lang nila talaga ako maintindihan. Nautangan ko na rin ang lahat ng pwede kong mautangan, mga katropa, mga kapitbahay, mga kagawad lahat.

 

 Iginala ko ang aking mga mata sa paligid at baka may mahagilap akong pwede pang  lumanding sa pawnshop kahit na hindi ko na matubos mairaos lang ang pangangailangan ko ngayong linggo na to. Napakamot lang ako ng wala akong nakita ni isa. Kasasanla ko lang pala sa Rolex na regalo sakin ng isang kaibigan noon.

 

Sumandal ako sa paanan ng aking kama sabay sindi sa yosi na binigay pa sa akin ng kabarkada ko kanina. Hithit. Buga. Hithit. Buga. Parang dito na lamang babagsak ang buhay ko. Kundi yosi, alak naman.Laklak. Tagay. Laklak. Tagay. Nakakasawa pero parang manginginig ng buong buo ang aking pangangatawan kapag hindi ako nakatikim.

 

Tatayo sana ako para lumabas nang maino ko ang kayarian ng aking katawan. Medyo pumayat. Mali. Pumayat nga talaga. Napangiti na lamang ako dahil alam kong masahol pa ako sa askal na walang makain. Masuwerte pa nga ang asong kalye sa akin kung tutuusin. Ako, maghahanap pa ng perang pambili. Iyon, makalasap lang konting tikim sa tae solb na. Buhay nga naman.

 

Habang tinititigan ko ang pagmumukha ko sa salamin, naisip ko, hindi naman pala ako pangit. May hitsura naman ako kung tutuusin, sabay kindat. Kung sakaling wala, bakit nagawa akong magustuhan ng maraming babae nung hayskul ako? Bakit ako ang pinipili ng mga niligawan kong mga anak ng pulitiko at hindi ang mga mayayaman nilang mga manliligaw? Napailing nalang ako.Kumplikado na nga ang buhay, nakukuha ko pang magyabang.

 

Parang nakuryente and utak ko ng may naisip ako bigla. Ayos. Parang dito na matatapos ang mga problema ko. Pero, hindi ako sigurado kung may patutunguhan nga ‘yun. Parang hindi maganda pero makagagaan ako dito. Doble kara. Doble ginhawa. Medyo perwisyo nga lang. Pakiramdam ko, parang maraming mawawala sa akin kapag tinuloy ko ang binubulong ng demonyo sa tainga ko.

 

Lumapit ako sa salamin. Hinubad ko ang aking sando saka tumingin muli. Napatitig ako sa aking pangangatawan. Medyo malaki naman ang mga masel sa aking mga braso hindi man ganun kabilog. Hindi pa masyadong malaki ang aking mga ads, kung yun nga ang tawag dun. Ads o Abs. Ads yata. Leche, bahala na. Yun din yun.

 

 Makinis naman at malinis. Pwede na siguro to. Puhunan. Kinapa ko ang aking tagiliran. Mejo malambot. Pwede na. Magandang ideya.

 

Nang bihis na ako, sa pabango na lamang ako naligo. Wala naman akong tubig dito. Nakakahiya naman kapag sa kapitbahay pa ako naligo. Nahiya pa daw ang loko.

 

Bago ako umalis, ikinandado ko muna yung pintuan kahit alam kong wala naman silang mananakaw dun. Pero sa panahon ngayon, pati brip o bumbilya pinapatulan. Lecheng buhay talaga.

 

Pinabantayan ko na lamang kay Aling Reming ang barumbarong ko. Siya na ang parang naging nanay nanayan ko dito. Mabait din siya, kahit lasinggera. Kapag natiyempuhan mong natamaan ng lambanog yun, patulugin mo na lang. Nataranta minsan ang purok nang malasing yun at isinigaw na may sunog dahil daw may nakita siyang usok kahit wala naman. Suspetsa ko, umatake ang katarata niya nun.

 

 

Nang magising ako mula sa maikling pagkakaidlip sa dyip, ilang metro na lamang pala at ako’y nasa aking destinasyon na. Pagbaba ko, sinigurado ko muna ang aking desisyon. Mahirap na pag umatras.  At lis, kapag ginawa ko ito, natulungan ko na sarili ko, pati ibang tao. Sumindi uli ako ng yosi pampaalis ng kaba. Tao din naman akong kinakabahan.

 

Hinanap ko ang plakard. Ayun, tabinging nakasabit sa may seradura ng pintuan.

 

Huminga ako ng malalim saba’y tapon sa yosing hindi ko pa nakakalahati.

 

Dis is it.

 

Pagbukas ko ng pintuan, isang madilim na silid ang aking nadatnan. Medyo burara ang may-ari. Magulo sa loob. Nagkalat ang mga libro, mga magasin at kung anu-ano pa.

 

 

“Good afternoon”

 

“Gudapternun boss” sagot ko.

 

“kung di ako nagkakamali, iyon ang sadya mo rito. Tama?” tanong ng lalaki saba’y turo sa may plakard. Tumango na lamang ako tanda ng pag-ayon.

 

“Sigurado ka na ba diyan?Mahirap nang padalusdalos. Baka di mo kayanin. Saka, alam mong iligal to kaya pag kumanta ka, damay ka din”

 

“Opo. Naisip ko na lahat yan” sambit ko.

 

“O sige. Marami pa akong gagawin. Simulan na natin.”

 

 

Pinatanggal niya ang aking damit at pinahiga sa kamang nangangamoy amag na.Ilang minuto pa’y narinig ko ang pagbukas ng gripo sa may lababo sa kabilang kwarto. Nang tumigil ang tunog ng lumalagaslas ng tubig, naisip ko ulit- dis is it.

 

Huminga ako ng malalim at ipinikit na ang aking mga mata ng nakita kong nakatayo na sa harap ko si Boss.

 

Bago siya magsimula, binuhay niya ang radyo. Kinitil ng maalumanay na tugtugin and ang katahimikan ng paligid. Pagkuway, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking kanang tagiliran.

 

“Awwww! P^ta^g ina^g gago ka. Sh^t!”

 

Napasigaw ako nang maramdaman ko ang pagturok niya nang  isang bagay sa katawan ko. Masakit. Sobrang sakit.

 

“Nerbiyoso. Anistisya lang yan” paglilinaw niya.

 

            Tiwala na naman ako dahil doktor siya. Sabi kasi nila, hindi ka naman mamamatay kapag ibinenta mo ang isa sa mga kidmi mo. Eto nanaman. Kidmi o kidni. Kidni. Yun. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi mo na aalalahanin pa ang kalusugan mo makaraos lang, magkaroon lamang ng pambili ng makakain. Wala nang oportunidad ang mga kagaya kong walang pinag-aralan. Lulong pa sa bisyo. Sana. Sana lang. Naging elepante na lang ako. At lis, may zoo. Kung nakita ka nilang sugatan, gagamutin ka talaga. Libre pa. E ang tao?  Malimit lang.

 

            Buti na lang. May plakard sa harapan. Kahit iligal, nagbibigay pag-asa naman.

 

           

 

Posted by lormahighlights at 11:56 am | permalink | Add comment

Walang Kwentang Kwento tungkol sa Wala

by: walangmagawasabuhay

Arthur. Jan. 22.

            Sa maraming taon ko ng pagtuturo, hindi na bago sa akin ang mga iba’t-ibang paraan ng mga estudyante para makapasa. May mga talagang ginagawa ang lahat para makakuha ng mataas na grado ngunit mas marami yung mga umaasa lamang sa iba’t-ibang uri ng cheating. Sa pagdaan nga ng panahon, nauso na ang tinatawag nilang leakage.

            Ako ang nagtuturo ng isang minor subject sa halos lahat ng seksyon sa isang year level. Dahil dito, alam kong marami akong estudyante na kaya lamang nakakakuha ng mataas na scores ay dahil sa leakage. Isa na dito si Jam. Halos lahat ng quizzes na ibinibigay ko ay perfect niya. Pati nung nakaraang Prelim exam ay  siya ang nagtop sa klase. Hindi naman sa mapanghusga lang talaga ako. Sigurado lang kasi ako na hindi kaya ni Jam na makakuha ng ganoong kataas na grado kung walang ginagawang kababalaghan. Sa recitations, hindi siya makapagsalita. Maging sa mga surprise activities na sa klase lang nila ko pinagawa, wala din siyang naipakita. Bukod pa diyan, kilala ko din kung kanino siya kumukuha ng leakage. Kitang-kita ko kung paano sinusulat ng isa ko pang estudyante mula sa ibang section ang kanyang mga sagot sa isang scratch paper at palihim itong itinatago.

 

Lena. Jan. 22.

            Very close kami ni Jam. Halos alam namin lahat ng sekreto ng bawat isa. Mula nung nagkakilala kami nung first year, marami na kaming mga bagay na ginawa nang magkasama. Isa na syempre dito ang pagpapalitan ng mga sagot sa iba’t-ibang mga subjects. Dati, natatakot pa kaming magleakage. Kaya lang, halos lahat naman na ng mga kaklase ko gumagawa ng ganun. Nakakabanas magreview kung alam mong alam na ng mga kaklase mo lahat ng sagot sa quiz na hindi niyo pa nakukuha.

            Dahil dito, naging ordinaryong bagay na lamang para sa amin ni Jam ang magpalitan ng mga sagot sa mga quizzes at exams kung saan pareho kami ng teacher. Madalas, sa subject ni Sir Arthur ako nagbibigay ng leakage kay Jam. Mahirap kasi ang subject at hindi naman nae-explain ng maayos yung mga lesson. Wala pang pakialam si Sir kung naiintindihan namin yung mga sinasabi niya. Lagi pa siyang absent at kung present naman ay nagbibigay ng nakakawindang na quiz. Ano pang magagawa ko?

            Tsaka nakakatulong naman ako sa bespren ko di ba? Tsaka parang pagtanaw na rin to ng utang na loob. Siya kasi ang nagpakilala sakin kay Lawrence, ang boyfriend ko ng one year ang six months. Kapag nag-aaway kami ni Lawrence, siya ang gumagawa ng paraan para magkabati kami. Kaya ayun, lagi akong nagbibigay sa kanya ng leakage.
     

Lawrence. Jan. 22.

            Girlfriend ko si Lena at close din kami ng bestfriend niyang si Jam. Maganda naman ang naging takbo ng relasyon namin ni Lena. Pero nitong nakaraang siyam na buwan, nagkaroon din kami ng relasyon ni Jam. Hindi ko na kasi mahal si Lena. Gusto ko kasi ng mas sikat at mas matalinong girlfriend. Si Lena ok lang, matataas din ang grado. Pero mababa ang mga grado niya kung ikukumpara kay Jam.

            Halos perpekto kasi si Jam. Maganda, matangkad, at matalino. Naiiinggit nga sakin yung mga barkada ko kasi close daw kami ng isang genius na gaya ni Jam. Mas lalo pa suiguro silang maiinggit kapag nalaman nilang higit pa dun ang relasyon naming ni Jam. Ang balita ko nga, siya lagi ang nagtatop sa mga quizzes at exams. Lalo na daw sa subject ni Sir Arthur. Dito ako bumilib sa kanya. Ang hirap kaya ng subject ng bwisit na instructor na yun. Trying hard na maging matalino, wala namang alam. Insecure pa sa mga estudyanteng nakakapansin sa marami niyang kamalian at nalalamangan siya sa mga discussions. Kung wala yung mga notes niyang dala, wala naman siyang masasabi e.

            Nitong nakaraang mga araw, naiinis na ako kay Lena. Matagal ko na siyang gustong ibreak kaso pinipigilan ako ni Jam. Mahal daw niya ang bestfriend niya at ayaw niya itong masaktan. Para namang hindi masasaktan si Lena sa ginagawa namin di ba? Hehe. Kaya hayun, pinaniwala na lang namin si Lena na walang nagaganap. Kaso, nitong malapit na ang midterms, nakipagbreak sakin si Jam. Hindi na daw niya kaya. Ilang buwan na rin kasi naming ginagago si Lena. Sinabi kong ibebreak ko na lang si Lena pero ayaw na talaga niya.

            Ewan ko. Ang gulo.

Arthur. Feb. 4.

           Nitong midterm exams, hindi ko na kinaya ang kawalanghiyaan nitong si Jam. Pinerfect na kasi niya ang exam! Doon ko napagdesisyunan na dapat nang matigil ang kanyang kalokohan. Kahit naman maraming naiinis sa akin na estudyante, naawa pa rin ako dun sa mga talagang nag-eeffort para magkagrade ng mataas pero nalalamangan ng mga makakapal ang mukhang gaya ni Jam. Sinumbong ko siya sa kanyang adviser at agad naman itong umaksyon. Ilang beses ding pabalik-balik si Jam sa Dean’s Office bago siya biglang nawala. Hindi ko na ulit siya nakitang pumasok sa kahit anong klase niya.

            Obvious naman kasing nagleakage na naman siya. Nakita kong gumawa na naman ng listahan ng sagot si Lena at nakita ko rin silang nag-uusap ni Jam bago mag-exam. Yun at ang pagperfect niya sa exam ay sapat na para patunayan na nag-leakage nga siya. Kahit noong tinanong ang mga kaklase niya, hindi daw niya kayang iperfect ang exam kung walang leakage.

Jam. Feb. 5

            Sirang-sira na ang pagkatao ko. Alam na ng lahat na sa nakaraang mga semester ay umasa ako sa leakage para magkaroon ng matataas na grado. Ano ba kasing magagawa ko? Kung hindi ako magchicheat, siguradong magiging mababa ang mga grado ko. Papatayin ako ng mga magulang ko pag nalaman nila yun. Pero siguro yun na nga ang nakatakdang mangyari.

            Sirang-sira na ang pagkatao ko. Halos walang natira sa akin. Nalaman na ni Jam ang relasyon namin ni Lawrence at hindi na niya ako pinansin kahit minsan. Ilang beses kong tinangkang kausapin siya pero wala na talaga siyang pakialam. Alam kong mabait si Lena pero alam ko rin na ang ilang buwan na panloloko namin sa kanya ay sapat na para patigasin ang puso niya.

            Ikinahihiya na ako ng mga magulang ko at pati ng mga ibang kakilala. Nang huli akong pumunta sa school, lahat nakatingin sa akin at nagbubulungan. Meron pang nagsabi ng, “Ang kapal naman ng mukha niyan para bumalik pa dito. Leakage lang naman pala ang alam niya.”

            Pati si Lawrence ay ikinakahiya na rin ako. Akala daw niya dati sobrang talino ko kaya siya na-attract sa akin. Kababawan lang pala lahat.

            Hanggang dito na lang siguro ang lahat ng ‘to. Nagawa ko na ang huling sulat ko para sa kanya. Siya lang ang nagmahal sa akin at siya lang ang itinuring kong pamilya pero nagawa ko pa rin siyang lokohin ng ganun. Siguro naman sa gagawin kong to magiging masaya na ang lahat.

            Sana sa libing ko makapunta si Lena.

Lena. Feb. 3.

            Sabi sa akin ni Sir Arthur, nahuli daw niya akong gumawa ng leakage noong midterm exam sa subject niya. Totoo yun. Nakita rin daw niya kami ni Jam na nag-uusap bago sila mag-exam. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi pa rin siya naniniwala sa katotohanan.

            Hindi nagleakage si Jam noon. Hindi niya tinanggap yung leakage na hinanda ko. Nahihirapan na daw siya dahil sa panlalait ng kanyang mga kaklase. Nasa mataas na seksyon kasi siya at may mga chismis na kumakalat na sa leakage lang siya umaasa.

            Susubukan na lang daw niyang magreview ng seryoso. Baka daw kayanin niya. Bumilib ako sa kanya noon.

            Para naman hindi masayang ang pagod ko, binigay ko kay Lawrence ang leakage.

Pero nagulat ako sa pinagtapat niya.

            Sa ngayon ay hindi ko na pinapansin si Jam. Pilit ko na rin siyang kinakalimutan. Siya at si Lawrence. Mga walang kwentang kaibigan. Mga walang kwentang tao.

 

Posted by lormahighlights at 11:43 am | permalink | comments[1]

Just metrosexual, or other else?

January 11, 2008

Two certified men share their views on metrosexuality and their passion to become fashionable.

by: aedis_aegypti

        You can no longer pick out who's gay and who's straight. Masculinity has now changed many of its characteristics, embracing now the concept of androgyny and considering that effeminacy could sometimes be very manly. But with the emergence of related terms like homoflexibility, bisexuality and bi-curiosity, is metrosexuality really a sub-culture of straightness or other else? To give light to this issue and other salient things about this topic, Lorma Highlights sought for the views of two well-known Lormanians who claimed to be followers of this innovative trend.

        Metrosexuality has been originally defined by Mark Simpson in 1994 as “new, narcissistic, media-saturated, self-conscious kind of masculinity.” How do the two of you define this culture?

Ariel*: I define it as just being you – doing what you want with yourself without even having the thoughts that what you are actually doing already are things originally devised for women. It is bringing out your art, just like what painters, dancers and singers do.

Miko*: Yeah, I also agree that it is a form of expression, in contrast with the old-fashioned notion of real manhood. This is something new that we, the young generation could enjoy to break free from the ordinary.

        How and when did you discover that you are metrosexual?

Ariel: Well, in high school where you always have to look good in order to get girls attracted to you, I started using pressed powders. (Laughs) But this was just a secret and I only used it whenever I go to a CR cubicle. This was almost the same time when I started using my mom’s facial washes and creams to deal with my pimples. I think these were the beginnings. This led to me regularly going to my dermatologist for facials, using a complete line of skin care product for men and collecting different kinds and colors of clothes and accessories. When I have time, I also go for massages and typically, I get manicures and pedicures twice a month.

Miko: It all started when I entered college and realized that I was already addicted to collecting different kinds of shirts and jeans. I mixed and matched clothes uniquely like the ones in Asianovelas which were big hits during that time. I became extra conscious with my looks that once, my girlfriend even noted that I was looking at her pocket mirror more frequently than her already.

        They say, metrosexuality is expensive and exclusive only to the rich ones. Is this true?

Ariel: Yes, you really have to be willing to spend to get the best for yourself. However, you don’t have to squander too much money to satisfy your craving.

Miko: The good thing is that we have so many choices now, unlike before. Looking good, doesn’t mean having clothes as expensive as gold. It means being able to highlight the best in you and making-up for your inadequacies.

        Do you believe with the idea that nowadays, looking good is not anymore a matter of fate, but a matter of choice?

Ariel: Yes. People are too good to invent several things and means to enhance the beauty in every individual. Many of these products are affordable and available already and grabbing them together with our other grocery items when we shop is now a matter of choice.

Miko: Ow, definitely yes. Tanga ka na kung wala ka pang gagawin kung pinanganak kang pangit ka. Done were the times na kung pangit ka, ay pangit ka na hanggang ilagay ka sa kabaong.

        Did you already experience being suspected of being homosexual?

Miko: Yes and it happens to me very often. But it is part of the Filipino culture to judge according to old standards and we can’t blame those who can not understand.

Ariel: When I was just starting, my parents automatically even thought of me being gay. My mother even asked me, “Anak, bakla ka ba?,”  and their suspicions only faded away when they saw me already dating beauty queens and girls of high quality. I do not consider myself that good-looking. However, I know that what women are really looking for is a loyal and good-mannered gentleman who could be presentable and who could make them happy and satisfied.

        How do you deal with people who tease you as being gay?

Miko: I just look at them and say, “Inggit ka?” (laughs)

Ariel: I won’t do anythings, but once they would be be seeing me with my girlfriend and  they wouldn’t be able to say a thing.

        A metrosexual has been described by Salon.com as one who “might be officially gay, straight or bisexual, but this is utterly immaterial because he has clearly taken himself as his own love object and pleasure as his sexual preference.” What is your opinion regarding this notion?

Miko: It has claimed already that metrosexuality is about narcissism. However, in the context of Filipino metrosexuality, the focus is not anymore on self-gratification, since I know for a fact that we dress neatly and well to woo women and boost our confidence.

Ariel:  I do believe that metrosexuality is only for real men. It is something for those who have not yet surrendered their manhood and it is definitely not about 100% narcissism and vainness. It just so happened that looking good makes you really feel good.

        So you two believe that metrosexuality is only for the straight ones?

Ariel: Definitely, though we should acknowledge the fact that nowadays, you really can’t determine exactly who are straight, homosexual, bisexual, and others. We are now becoming more westernized, putting more value nowadays on decisions that make you happy, not necessarily on those which could gain for you definite social approval. However, their taste on aesthetics and beauty is part and parcel of the respective cultures they have embraced and this expression is quite different from what we are manifesting in our metrosexuality. We our goaled towards looking and feeling good to ultimately gain women’s attention and this isn’t just like theirs.

Miko: Yes, I think metrosexuality is only for straight guys. It is for men who have finally decided to go against the norms to show that they have what it takes to be truer men.

        How do you feel with homosexuals and bisexuals using metrosexuality as front to their being discreet?

Miko: Well, I don’t care. We shouldn’t care. We should also respect their freedom to express themselves. I have many gay friends who would always dress like us – dressing like real men. Homosexuality’s definition in our country has also changed during the recent times. Their trend now is to be more manly and that is why in salons around, you see more of them now, not as the typical screaming faggots, but as well-dressed, muscled haircutters. I think, this is even more desirable to look at - being the real you and not being like others.

Ariel: All of us should get real. However, being real and out in our society means a lot of many discrimination and misunderstanding. I hope the time comes where all preferences could be respected and treated equally.

        What do you think is metrosexuality in our society headed for?

Miko: I project more developments when it comes to the availability and affordability of products and services for men as we dwell more in our habit of keeping up with the western culture. This could lead into more opportunities for men to enjoy luxuries that were originally meant for women, and of course, more metrosexuals walking around the town, boasting their moisturized, porcelain-like skin and wearing top-of-the-line clothes in very unique color combinations and with matching accessories. (laughs)

        Any message to all the local metrosexuals?

Miko: Be yourself and don’t be afraid in becoming unique. Be a real man in facing the world.

Ariel: Respect begets respect. Have your own opinions and ideas and stand for them. However, learn to be humble. Keep your head high, but always keep your feet on the ground.

 

* Names have been changed as per interviewees’ request.

 

Posted by lormahighlights at 3:54 pm | permalink | Add comment

Unheard Grievances of Filipino Peasants

January 7, 2008

Hindi naman siguro lahat ng Lormanian ay galling sa mga pamilya ng negosyante o pulitiko. Siguradong meron at meron tayong mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan o kakilala na sa lupa umaasa upang mabuhay. Narito ang isang pagsipat sa kanilang kalagayan.

            Seven out of ten Filipino farmers have no land of their own. This and other staggering statistics slapped me in the face after learning about the present situation of peasants in our country.

            Enclosed in our own comfortable worlds, most of us have unconsciously blocked our eyes from the obvious realities around us. Millions of our fellow Filipinos who engage in farming are facing mountains of problems. And sadly, as days pass, it is almost sure that these mountains will topple down and bury them all alive.

Unpaid Workers

            Many farmers are working diligently without even a single centavo as a payment. They work for unnumbered hours from dusk until dawn. The sad thing is, most of these unpaid workers are women and children. Only the father, who is considered to be the head of the family, is paid and as though that wasn’t bad enough, he also receives insufficient wages.

Unjust Laws

            Throughout the past decades, several land reform acts and land distribution laws have been promulgated by the various administrations. However, these laws have done very little to alleviate the burdens of peasants who work for inconsiderate masters. Moreover, landlords don’t even bother to follow these laws and most peasants were not educated about these laws.

Unfair Landlords

            Feudalism and monopoly are still very rampant especially in the rural areas. This is being resisted by some peasant organizations such as the Solidarity of Peasants against Exploitation here in Region I. And since the peasants are now fighting for their rights, they are also becoming some sort of ‘threat’ to the fraudulent landlords.

Unsure and Unsafe Lives

            Due to the recent resistance of some peasant organizations to the mistreatment and oppression done to them by the landlords, another threat butts in, the military. Silently, several battalions of soldiers have been deployed to relatively peaceful areas for no apparent reason. This may not mean anything to people who are far from these places but to the residents of these areas, the presence of these heavily armed men brings panic and fear.

Unclear Future

            The Cory regime brought excessive bliss to many farmers due to the distribution of Certificate of Land Transfer. These certificates somehow washed away the worries of land less farmers for they snow legally owned the lands that they have been tilling for decades. But the happiness was fleeting though. A year after the issuance of these certificates, another law has been passed canceling the validity of these papers. And now, several corporations of mysterious ownership are claiming the lands of the peasants.

            These problems are just a few of the humungous burdens that Filipino peasants are carrying on their backs at present. Nobody knows what lies ahead in the future of our pitiful brothers. Unless the “big mole” acts, we might as well prepare ourselves for more dumbfounding statistics. Or is it us who hold the key for the freedom of our peasant brothers from the grip of extreme poverty?

Posted by lormahighlights at 9:13 pm | permalink | comments[10]

LORMA POLLS

eto na! meron na ring space for articles dito sa blog natin. una sa lahat, may nabasa kaming tanong sa message board tungkol sa internet fee. isasali na po natin ang kanyang tanong para sa lorma polls.

narito ang mga tanong na pwede mong sagutin:

gusto mo pa bang magbayad ng internet fee next sem?

saan ang pinakacomfortable na comfort room sa Lorma?

may dahilan pa ba para manatili si PGMA sa pwesto?

saan sa Lorma pinakamasarap kumain?

anong mga artricles ang gusto mong isulat dito sa highlights?


maari mong ilagay ang iyong sagot at pangalan/code name sa comment, sa message board at pwede mo ring isend sa 09289829873 o 09154226711

 

 hihintayin namin ang mga sagot mo..

Posted by lormahighlights at 6:36 pm | permalink | comments[11]

Welcome to the Article Page

Dito niyo matatagpuan ang mga yummy arcticles na gawa ng lorma highlights. 

tumatanggap din kami ng mga contributions, i-email niyo lang sa amin…. sulatkamay_lh@yahoo.com.

 yehey!

 

Posted by lormahighlights at 3:24 pm | permalink | comments[3]